MMDA nagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng LRT-2 mula Santolan patungong Cubao

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 12:18 PM

Simula umaga, tambak ang mga pasahero ng LRT-2 sa Santolan station dahil hindi bumibiyahe ang tren na araw-araw nilang gamit sa pagbiyahe.

Dahil dito, humiling ng bus augmentation ang LRT Administration sa MMDA.

Nagtalaga naman agad ng bus ang MMDA para magkaloob ng libreng sakay mula Santolan patungo ng Cubao.

Ang mga tauhan naman ng InterAgency Council for Traffic (I-ACT) Task Force Alamid at Team Dragon ay nag-mando ng traffic sa Katipunan station.

Dahil din kasi sa dami ng pasaherong nag-aabang sa lugar ay pahinto-hinto doon ang mga pampublikong sasakyan para magsakay ng pasahero.

Hindi pa matiyak sa ngayon ng LRTA kung kailan magbabalik ang operasyon ng LRT-2.

TAGS: Bus Augmentation, Cubao, InterAgency Council for Traffic, LRT 2, LRT Administration, mmda, Santolan, Bus Augmentation, Cubao, InterAgency Council for Traffic, LRT 2, LRT Administration, mmda, Santolan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.