Ayon sa pinuno ng NCRPO na si Chief Supt. Joel Pagdilao, walang major untoward incident na naitala mula noong Biyernes para sa “Pahalik” hanggang sa simula at pagtatapos ng “Traslacion” o grand procession noong Sabado hanggang kaninang madaling araw.
Sinabi ni Pagdilao na maagang nag-umpisa ang Traslacion, matapos ang misa sa Quirino Granstand, na naging rason kung bakit naging maaga ang pagbalik ng Poon sa Quirino Church kahit pa napakalaki ng bilang ng mga debotong nakilahok.
Pasado alas-dos ng madaling araw nang makarating ang Black Nazarene sa Quiapo Church.
Dagdag ni Pagdilao, hindi naman nadagdagan ang casualties mula sa Traslacion, kaya nananatili ang bilang sa dalawa ang namatay.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Mauro Arabit at Alex Fulyedo.
Aabot naman sa 531 na mga deboto ang nilapatan ng lunas makaraang masugatan sa kasagsagan ng prusisyon at dahil sa iba’t ibang uri ng sakit.