‘Generally Peaceful” ang Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon

By Isa Avendaño-Umali January 10, 2016 - 02:22 PM

 

Nazareno2“Generally peaceful” ang pista ng Poong Itim na Nazareno ngayong taon, ayon sa National Capital Region Police Office.

Ayon sa pinuno ng NCRPO na si Chief Supt. Joel Pagdilao, walang major untoward incident na naitala mula noong Biyernes para sa “Pahalik” hanggang sa simula at pagtatapos ng “Traslacion” o grand procession noong Sabado hanggang kaninang madaling araw.

Sinabi ni Pagdilao na maagang nag-umpisa ang Traslacion, matapos ang misa sa Quirino Granstand, na naging rason kung bakit naging maaga ang pagbalik ng Poon sa Quirino Church kahit pa napakalaki ng bilang ng mga debotong nakilahok.

Pasado alas-dos ng madaling araw nang makarating ang Black Nazarene sa Quiapo Church.

Dagdag ni Pagdilao, hindi naman nadagdagan ang casualties mula sa Traslacion, kaya nananatili ang bilang sa dalawa ang namatay.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Mauro Arabit at Alex Fulyedo.

Aabot naman sa 531 na mga deboto ang nilapatan ng lunas makaraang masugatan sa kasagsagan ng prusisyon at dahil sa iba’t ibang uri ng sakit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.