Hinigpitan ang pagbabantay sa daanan papasok at palabas ng Cagayan Valley matapos masabat ang higit sa 40 kilo ng karne ng baboy sa Isabela.
Nasa 44 na kilo ng mga undocumented pork meat ang naharang sa national road sa bayan ng San Mateo, Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa Department of Agriculture sa Region 2, bagamat hindi pa kumpirmadong kontaminado ng African Swine fever (ASF) ang nakumpiskang karne ng baboy, agad itong ibinaon sa lupa para na rin sa kaligtasan ng marami.
Ang lalawigan ng Isabela, Quirino at Nueva Visacay ay nagpapatupad ng total ban sa mga baboy at mga pork products para mapigilan ang pagpasok ng ASF sa kani-kanilang mga probinsya.
Kaugnay nito, naglagay ng mga quarantine checkpoints sa naturang mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.