WATCH: Maj. Baloyo mananatili sa bilibid hanggang 2022 – Gordon
Tiyak na magtatagal sa Bilibid si Maj. Rodney Baloyo IV matapos itong ipa-contempt ng senado.
Ayon kay Senator Richard Gordon, mananatili sa New Bilibid Prisons (NBP) si Baloyo hangga’t hindi ito nagsasabi ng totoo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Gordon na kung magmamatigas si Baloyo at hindi sasabihin sa komite ang totoong nangyari sa operasyon ng kanilang hanay noong 2013 ay tatagal siya sa bilibid hanggang sa matapos na ang 18th congress.
Mangangahulugan itong mananatili doon si Baloyo hanggang 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.