WATCH: Albayalde maraming dapat ipaliwanag – Sen. Gordon

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 10:06 AM

Pinayuhan ni Senator Richard Gordon si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na linisin ang kaniyang pangalan.

Ayon kay Gordon, hindi biro ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kaniya.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Gordon na kahit paretiro na ay kailangang managot sa taumbayan ni Albayalde kung talagang siya ay may pagkakamali.

Ani Gordon napakaraming kailangang ipaliwanag ni Albayalde.

Sinabi ni Gordon na sa mga pagharap ni Albayalde sa senate hearing hinggil sa ninja cops ay marami itong hindi sinasabi at inilalantad sa komite.

Dagdag pa ng senador, ang mga pulis na may nagagawang kalokohan ay dapat pagsibak lang o suspensyon ang ipataw na parusa at hindi ililipat lang ng Mindanao.

TAGS: GCTA Hearing, ninja cops, Oscar Albayalde, PNP, Richard Gordon., GCTA Hearing, ninja cops, Oscar Albayalde, PNP, Richard Gordon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.