2 police generals sangkot pa rin sa ilegal na droga – Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroogg dalawang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.

Inihayag ito ng pangulo sa Russian think tank forum na kaniyang dinaluhan sa Sochi City.

Sa kaniyang pahayag sa harap ng mga world leaders, Russian officials, policymakers, international experts, academicians at journalists, sinabi nitong dalawang police general sa Pilipinas ang sangkot sa kalakaran ng droga.

Pero hindi pinangalanan ng pangulo kung sino ang dalawa.

Ang rebelasyon ng pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na kontrobersiyang kinasasangkutan ng PNP at hepe nitong si Gen. Oscar Albayalde.

Sa nasabi ring pahayag sinabi ng pangulo na patuloy niyang lalabanan ang korapsyon sa Pilipinas at ang drug trafficking.

Gagawin umano niya ito sa mabilis na pamamaraan.

Read more...