WATCH: Marami ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Tuguegarao City, Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 09:40 AM

Marami ang nasugatan sa aksidenteng naganap sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sangkot sa aksidente ang dalawang kotse, isang adventure, isang pick-up at dalawang tricycle.

Ayon sa mga rumespondeng rescuers, isang Toyota HiLux Pick up ang nawalan ng kontrol na nagresulta sa karambola.

Marami ang nasugatan sa aksidente, kabilang ang dalawang lalaki, dalawang estudyanteng sakay ng tricycle.

Nangyari ang aksidente, Biyernes ng umaga (Oct. 4) malapit sa St. Louis University.

Ang isang kulay pula na Toyota na kotse ay nayupi na parang lata at bumangga pa sa poste ng kuryente.

Nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar dahi sa aksidente.

TAGS: accident, Cagayan, multiple collision, Tuguegarao City, accident, Cagayan, multiple collision, Tuguegarao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.