0.9% inflation naitala noong Setyembre mas mababa sa 1.7% noong Agosto

Kuha ni Ricky Brozas

Nakapagtala ng mas mabagal na inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa nagdaang buwan ng Setyembre

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 0.9 percent ang naitalang inflation noong Setyembre, mas mababa kumpara sa 1.7 percent noong Agosto.

Ang nasabing inflation rate ay pasok sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 0.6 hanggang 1.4 percent.

Pangunahing nakapag-ambag sa mabagal na inflation ang Food and Non-Alcoholic Beverages.

Ayon sa PSA, bumaba ang presyo ng bigas, mais, gulay, at isda.

Ito na ang pinakamababang inflation na naitala mula noong June 2016 kung saan nakapagtala ng 1.3 percent.

Read more...