Halos 10,000 kaso ng dengue naitala sa loob lang ng isang linggo; 37 ang nasawi
Sa loob lang ng isang linggo mula Sept. 8 hanggang 14, umabot sa 9,815 ang kaso ng dengue na naitala sa buong bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), 25 percent itong mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa loob din ng isang linggo, umabot sa 37 ang nasawi.
Sa datos ng Epidemiology Bureau ng DOH, mula January 1 hanggang Sept. 14 ay nakapagtala na ng 307,704 na kaso ng dengue sa buong bansa.
Sa naturang bilang ay 1,247 na ang nasawi.
Ayon sa DOH, ang buong bilang ng kaso ng dengue na naitala mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay 116 percent na mas mataas kumpara sa parehong petsa noong nakaraang 2018.
Ang Calabarzon ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue na umabot sa 49,661 at 152 ang nasawi.
Nataas din ang kaso sa Western visayas na may 49,068 cases at 214 na nasawi.
Sa Metro Manila, nakapagtala na ng 23,251 na kaso at 122 na ang nasawi.
Habang sa Central Luzon naman ay 23,046 na ang kaso at 61 ang patay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.