LRT-2 hindi pa tiyak kung kailan makababalik ng operasyon
By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 08:05 AM
Patuloy ang inspeksyon ng mga tauhan ng LRT Administration sa nasunog na rectifier substation malapit sa Katipunan Station ng LRT-2.
Ayon sa update ng LRT-2, hindi pa rin passable ang Katipunan track 2.
Wala pa ring komunikasyon sa buong linya ng train system kaya hindi pa ito maaring makapag-operate.
Wala ding kuryente mula sa Cubao hanggang Santolan kabilang na ang kanilang depot.
Dahil dito hindi pa masabi ng pamunuan ng LRT-2 kung kailan makapagre-resume nt operasyon ang tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.