Idineklara ito ni President Lenín Moreno, dahil sa kabi-kabilang protesta kontra sa pagpapahinto sa dekada nang fuel subsidies ng pamahalaan.
Tinututulan ng mga nagpoprotesta ang bagong fuel measure na naging epektibo kahapon araw ng Huwebes.
Kasama sa mga nagprotesta ang mga driver ng taxi, bus at truck at iniharang nila sa lansangan ng Quito at Guayaquil City ang kanilang mga saskayan.
Lumahok din sa protesta ang Indigenous groups, mga estudyante at mga miyembro ng unyon.
Ayon sa pamahalaan ng Ecuador kailangang alisin ang fuel subsidies para makatulong sa ekonomiya ng bansa at mapigilan ang smuggling.
MOST READ
LATEST STORIES