Tanyag na international travel vlogger gumawa ng hiwalay na page para sa mga Pinoy

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 05:56 AM SHARE(S):

Gumawa ng Facebook page para sa mga Filipino ang tanyag na international travel vlogger na si Nuseir Yassin.

Ang Facebook page ni Yassin na “Nas Daily” ay mayroong 13 million followers at sa mga araw-araw na 1-minute videos ng mga bansang pinupuntahan niya.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Yassin na matapos ang pagbisita niya sa Pilipinas noong nakaraang linggo, nagdesisyon siyang gumawa ng hiwalay na page na dedicated lamang para sa Pilipinas.

Sa “Nas Daily Tagalog” page, lahat ng ginagawa niyang videos ay nilagyan ng Tagalog subtitles.

Ayon kay Yassin, layunin nitong maabot niya ang 100 porsyento ng populasyon ng Pilipinas.

TAGS: Nas Daily, Nas Daily Tagalog, Radyo Inquirer, vlog, Nas Daily, Nas Daily Tagalog, Radyo Inquirer, vlog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.