P39 per day meal allowance ng mga preso ikinagulat ng mga senador
Isang panibagong testigo ang lumantad at idinetalye ang katiwalian para makakuha ng multi-million pesos catering contract sa Bureau of Corrections.
Si Angelina Bautista ay opisyal sa BJMP bago pumasok sa negosyo sa catering service noong 2015.
Sa pagharap niya sa pagdinig ng Justice at Blue Ribbon Committees ibinunyag nito ang naranasang panggigipit.
Ayon kay Bautista P45 milyon ang nakuha niyang kontrata para sa pagpapakain sa mga babaeng preso sa Women Correccional Institute sa Mandaluyong City.
Sinabi nito, naglalabas na siya ng pera para sa notaryo ng kanyang kontrata sa Bucor.
Hindi naman itinanggi ni Atty. Fredric Santos, ang kontrobersyal na legal officer ng Bucor, ang mga paratang ni Bautista.
Paniwala ng mga senador may ‘conflict of interest’ sa ginagawa ni Santos.
Paliwanag naman ni Bucor Deputy Dir. Gen. Melvin Buenafe ang sobra sa P60 food allowance kada araw ng mga preso ay isinosoli nila sa National Treasury o ginagamit nila sa ibang pangangailangan ng mga preso.
Ito ay kinumpirma naman ng Commission on Audit.
Ngunit ang ikinabigla din ng mga senador ay ang P13 na halaga ng almusal, tanghalian at hapunan ng mga babaeng preso.
Ayon kay Godfrey Gamboa, isang preso sa Bilibid, hindi nila masikmura ang ipinapakain sa kanila.
Dito ay muling naungkat ang sinabi ni dating acting Bucor Chief Rafael Ragos na isa sa mga pinagkakakitaan sa Bilibid ay ang catering service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.