4 patay sa knife attack sa police headquarters sa Paris
Patay ang apat katao sa pananaksak ng isang civilian employee sa loob ng Paris police headquarters araw ng Huwebes.
Nakilala ang suspek na nagtratrabaho bilang isang technology administrator sa police intelligence unit.
Naglunsad ang suspek ng pag-atake gamit ang ceramic knife mula sa kanyang opisina hanggang sa ibang bahagi ng 19th century building na ilang metro lang ang layo sa Notre Dame Cathedral.
Ayon kay Paris prosecutor Remy Heitz, napatay ng lalaki ang tatlong police officers at isang administrator.
Napigilan lamang ang pag-atake nang mapatay ng isang pulis ang suspek.
Sinabi ni French Interior Minister Christophe Castaner na nagtrabaho sa police force ang suspek mula 2003 at hindi naman ito nagpakita ng kahit anong behavioral problem.
Naglunsad na ng murder investigastion ang mga awtoridad at ibinasura na ang anggulong terorismo.
Pumunta si President Emmanuel Macron sa police headquarters para ipakita ang pakikiisa sa mga awtoridad at department employees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.