Tone-toneladang basura, nakolekta pagkatapos ng traslacion

By Isa Avendaño-Umali January 10, 2016 - 10:57 AM

Nazareno2Aabot sa tatlumpung truck ng mga basura ang nakolekta noong kasagsagan hanggang sa matapos ang traslacion para sa Poong Itim na Nazareno.

Ayon kay Corazon Jimenez, general manager ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ang mga basura ay nakolekta sa mga areas of activities o lansangan na dinaanan ng prusisyon.

Sinabi ni Jimenez na mas maraming basura na nalikom sa traslacion ngayong taon, kumpara noong 2015 na nasa dalawampung truck ng mga kalat ang nakolekta.

Ani Jimenez, hindi pa rin sumusunod ang mga deboto sa palagiang pakiusap na buhatin o dalhin ang sariling basura.

Nasa 1,680 personnel ang dineploy ng MMDA upang tumulong sa mga pulis sa pagtiyak ng seguridad ng mga deboto na makikibahagi sa traslacion.

2:03 ng madaling araw nang maibalik sa Quiapo Church ang Black Nazarene, matapos ang halos dalawampung oras na prusisyon.

Inaasahan naman na marami pa ring deboto ng Itim na Nazareno ang tutungo sa Quiapo Church ngayong araw ng Linggo para magsimba.

 

TAGS: mmda, Traslacion 2016, mmda, Traslacion 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.