‘4 preemptive strike’ kontra droga ipapatupad ng NCRPO

By Len Montaño October 04, 2019 - 04:46 AM

Magpapatupad si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar ng polisiyang “four preemptive strike” na layong masawata ang mga pulis at opisyal na sangkot sa drug recycling.

Ayon kay Eleazar, ang unang bahagi ng scheme ay koordinasyon ng NCRPO legal office sa National Police Commission (Napolcom), Department of Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP) para sa monitoring ng mga kaso ng mga pulis na natanggal sa serbisyo.

“Yung una, gusto natin makipagcoordinate ng agencies na pinupuntahan usually ng nadi-dismiss na pulis para mareinstate. Sa Napolcom, sa DILG, or kahit sa office of the PNP, basta yung mga ganun yung mga agencies na makakapag-appeal sila,” ani Eleazar.

Ikalawa ang pagsusuri sa mga nasa serbisyo na may kaso at sangkot sa droga dahil sa imbentaryo ng NCRPO ay may nakakalusot.

Isa pang paraan ay ang umiiral ng “one strike policy” kung saan agad sinisibak ang pinuno ng drug enforcement unit at police station na guilty sa drug recycling.

Ang panghuli, ayon kay Eleazar, ay ang pagpapa-igting ng NCRPO Quad-Intel Force, na binubuo ng PDEA, NBI at AFP, para imonitor ang pagkadawit ng ilang tauhan ng gobyerno sa kalakalan ng iligal na droga.

 

TAGS: drug recyling, four preemptive strike, Major General Guillermo Eleazar, NCRPO, drug recyling, four preemptive strike, Major General Guillermo Eleazar, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.