Paglalagay ng business-class coaches sa MRT-3 iminungkahi ni Poe

By Rhommel Balasbas October 04, 2019 - 04:44 AM

Inirekomenda ni Sen. Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng business-class train coaches sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa deliberasyon ng Senado sa 2020 budget ng DOTr araw ng Huwebes, sinabi ni Poe na may nagmungkahi sa kanyang isang online user tungkol sa business coaches sa MRT-3.

“Meron ding suggestion. May isang nagsabi sa atin — ewan ko if this is something that you would consider. Habang ginagawa niyo ang Dalian trains, baka daw few or specific coaches that are designated as business coach,” ani Poe.

Sa una naisip ni Poe na ang suhestyon ay tila ‘discriminatory’ ngunit napagtanto umano niya na posibleng patok ito sa mga pasaherong handang magbayad ng malaki para sa mas magandang serbisyo tulad ng sa business class flights.

Maaari anyang tangkilikin ito ng mga may sariling sasakyan kaya’t makakatulong para sa pagpapaganda sa sitwasyon sa trapiko.

“Meron silang (Commuters will have) guaranteed space and designated line. Bakit? Because ‘yung mga tao who can afford to pay that amount are probably those who have private vehicles,” ani Poe.

Nasa P200 hanggang P300 ang pasaheng inirekomenda para sa business-class train coaches.

Ayon kay Poe, magagamit ang kikitain sa pagpapaganda sa serbisyo ng MRT-3 at iba pang linya ng tren.

Para kay DOTr Secretary Arthur Tugade, handa silang pag-aralan ang proposal ni Poe lalo’t plano na itong gawin sa itatayong railways sa Clark, Bicol at Mindanao.

 

 

TAGS: business-class coaches, discriminatory, DOTr Secretary Arthur Tugade, MRT 3, Senator Grace Poe, business-class coaches, discriminatory, DOTr Secretary Arthur Tugade, MRT 3, Senator Grace Poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.