‘Porky Pochie’: Aso idineploy vs ASF sa Cebu

CDN photo

Hindi lang panghanap ng droga kundi pang-baboy din.

Isang 18 buwang Golden Retriever ang madadagdag sa pwersa ng gobyerno para pigilan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Cebu.

Ang aso na may pangalang ‘Porky Pochie’ ay idineploy ng Philippine Coast Guard – Central Visayas (PCG-7) para maging isang pork-sniffing dog.

Sinanay si Pochie sa loob ng isa at kalahating buwan para maamoy ang mga baboy at pork products kahit nakabalot pa ang mga ito sa layers ng mga bags at kahon.

Si Pochie ang kauna-unahang pork-sniffing dog sa bansa.

Dadalhin ang aso sa mga pantalan sa Cebu at Bohol para tulungan ang binuong ASF Task Force sa pagdiskubre sa mga pork products na iligal na ipapasok.

Tatlumpung aso pa ang sasanayin para maging katulad ni Pochie.

Noong Setyembre, nagpatupad ng total ban sa pagpasok ng pork at pork products mula sa Luzon ang Cebu at Bohol matapos makumpirma ang ASF cases sa ilang lalawigan.

 

Read more...