Jennylyn Mercado gaganap sa papel ni Song Hye Kyo sa Pinoy version ng “Descendants of the Sun’

By Len Montaño October 04, 2019 - 03:14 AM

Marami ang natuwa na ang aktres na si Jennylyn Mercado ang gaganap sa papel ng Korean actress na si Song Hye Kyo sa “Descendants of the Sun” na ngayon ay mayroon ng Filipino adaptation.

Sa kanyang Instragram ay inanunsyo ni Jen na siya ang magiging Dr. Maxine dela Cruz, ang karakter ng leading lady ng tinaguriang “Big Boss” sa naturang palabas.

Sa kanyang post ay sinabi ng dalaga na super happy siya sa kanyang gagampanan.

Nagpasalamat ito sa GMA sa naturang proyekto sabay pangako na hindi niya bibiguin ang publiko at bibigyan niya ng hustisya ang role.

Nagsimula na ang aktres ng intense medical training para anya maging makatotohanan ang kanyang role.

Bukod dito ay pinag-aaralan ni Jennylyn ng karakter para makasabay sa kanyang partner na si Dingdong Dantes na gagampanan naman ang karakter ni Song Joong Ki.

 

 

 

 

TAGS: Big Boss, descendants of the sun, Dingdong Dantes, Dr. Maxine dela Cruz, Filipino adaptation, Jennylyn Mercado, Song Hye Kyo, Song Joong Ki, Big Boss, descendants of the sun, Dingdong Dantes, Dr. Maxine dela Cruz, Filipino adaptation, Jennylyn Mercado, Song Hye Kyo, Song Joong Ki

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.