Bacolod nagpatupad ng ban sa pork mula Luzon, ibang bansa

By Rhommel Balasbas October 04, 2019 - 02:43 AM

Nagpatupad ng temporary ban ang Bacolod City sa mga buhay na baboy at pork products mula Luzon at ibang bansa dahil pa rin sa pangamba sa African Swine Fever (ASF).

Sa ilalim ng Executive Order no.29 ni Mayor Evelio Leonardia, 90 araw ipagbabawal ang pagpasok ng pork at pork products mula Luzon at mga bansang apektado ng ASF kabilang ang China, Vietnam, Mongolia, Cambodia, Laos, Myanmar, North Korea, Russia, Hungary, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Belgium, Moldova, Latvia, South Africa, Poland, Zambia, at Romania.

Iginiit ni Leonardia na kailangang magpatupad ng mga hakbang upang manatiling ligtas ang kanyang lungsod sa ASF.

Una rito, nagpatupad na rin ng pork ban ang provincial government ng Negros Occidental.

Ayon kay City Agriculturist Goldwyn Nifras, vice-chair ng binuong Bacolod ASF Task Force, nakikipag-ugnayan siya sa hog raisers ng lungsod para talakayin ang kanilang pangamba sa ASF.

Simula ngayong araw, October 4, magsasagawa ng information drive ang ASF Task Force sa mga baranggay para ipabatid sa hog raisers kung paano babantayan ang kanilang mga alagang baboy.

Nananatili naman anyang ASF-free ang Bacolod City at ang buong Negros Occidental.

 

TAGS: African Swine Fever (ASF), ASF task Force, bacolod city, buhay na baboy, Luzon, Mayor Evelio Leonardia, pork products, temporary ban, African Swine Fever (ASF), ASF task Force, bacolod city, buhay na baboy, Luzon, Mayor Evelio Leonardia, pork products, temporary ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.