outbrain

San Miguel import Chris McCullough crush si Maine Mendoza

By Len Montaño October 04, 2019 - 02:30 AM SHARE(S):

Hayagang sinabi ng dating import ng San Miguel na si Chris McCullough ang kanyang paghanga sa aktres na si Maine Mendoza.

Idinaan ni McCullough sa social media ang kanyang anunsyo na crush niya si Maine.

Kahit wala na sa Pilipinas ang player at nasa Korea na ngayon para doon ipagpatuloy ang kanyang basketball career ay tila naiwan nito ang kanyang puso dito sa bansa.

Si McCullough ang naging import ng San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup.

Sa kanyang tweet ay makikita ang larawan ni maine na nasa isang radio guesting at nilagyan niya ito ng caption na “my crush.”

Sinabi pa ni McCullough na kung pwedeng may magparating kay Maine na hinahanap niya ang dalaga at nilagyan niya naman ito ng “kissing emoji.”

Aabangan ngayon ng mga netizens kung magkikita ba ang dalawa lalo na’t posibleng bumalik si McCullough sa PBA.

Katunayan ay nagboluntaryo ito na maging sunod na naturalized player ng Pilipinas.

TAGS: Chris McCullough, crush, import, kissing emoji, Maine Mendoza, naturalized player, PBA, San Miguel, Twitter, Chris McCullough, crush, import, kissing emoji, Maine Mendoza, naturalized player, PBA, San Miguel, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.