2 dating empleyado ng WellMed Clinic arestado

By Len Montaño October 04, 2019 - 01:13 AM

Naaresto ang dalawang dating empleyado ng WellMed Dialysis Center na sangkot sa umanoy PhilHealth ghost claims sa operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 sina Liezel Aileen Santos de Leon at Edwin Roberto.

Naaresto sina De Leon at Roberto sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court.

Buwan ng Hunyo ng kasuhan ng Department of Justice (DOJ) sina De Leon at Roberto kasama ang may-ari ng WellMed Clinic na si Bryan Christopher Sy kaugnay ng umanoy iregular na PhilHealth claims.

Pero noong Agosto ay ibinasura ang kaso dahil sa kawalan ng hurisdiksyon kaya inilipat ito ng ahensya sa MTC.

Nahaharap sina De Leon at Roberto sa kasong Swindling, Estafa at dalawang iba pang kaso.

Mahigit P600,000 ang halaga ng piyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa.

 

TAGS: arestado, Bryan Christopher Sy, DOJ, estafa, ghost claims, philhealth, QCPD, Swindling, wellmed dialysis center, arestado, Bryan Christopher Sy, DOJ, estafa, ghost claims, philhealth, QCPD, Swindling, wellmed dialysis center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.