M3.1 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-10:06 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 13 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.

May lalim ang pagyanig na 16 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala namang inaasahang aftershocks.

 

Read more...