6 arestado sa iligal na sugal sa Maynila

Police Big Brother FB photo

Timbog ang anim na lalaki dahil sa iligal na pagsusugal sa Tondo, Maynila araw ng Huwebes.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 2 chief Police Col. Melvin Montante, kabilang sa mga nahuli ang nagme-maintain ng iligal na sugalan.

Sinalakay ng mga pulis ang iskinita sa Barangay 1 Zone 1 sa Zabala Street kung saan nakita ang nakalatag na isang videokarera machine.

Nakumpiska naman ang isa pang videokarera machine at Fruitgame machine sa Gate 1 sa Parola.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa operator ng videokarera machines alinsunod sa kampanya laban sa iligal na sugal nina Mayor Isko Moreno at MPD director Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

 

Read more...