Sales agent arestado sa umanoy paggahasa sa 15 anyos na estudyante sa Maynila

By Len Montaño October 03, 2019 - 10:51 PM

Manila PIO photo

Arestado ang isang 43 anyos na sales agent dahil sa umanoy paggahasa sa isang 15 anyos na high school student.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), ang suspect ay si Diofre Lara Sales.

Sinabi ni MPA SMaRT chief Police Major Rosalino Ibay Jr. na inaresto si Sales matapos na may magreklamo kay Mayor Isko Moreno.

Nangyari ang umanoy insidente noong September 27 sa isang budget hotel sa Caloocan City kung saan dinala ng suspect ang biktima.

Sa follow-up operation ay naaresto si Sales alas 2:00 Martes ng hapon sa Tayuman, Manila.

Lumabas sa imbestigasyon na ang suspect ay may ni-rape rin na dalawang iba pang high school students.

Nang iprisinta kay Mayor Isko, sinabi ni Sales na natukso lamang siya.

“Hindi po ako masamang tao. Temptation lang po ito,” pahayag ng suspect.

Iginiit naman ng alkalde ang babala nito laban sa mga masasamang loob sa lungsod.

“Ayoko lahat ng kriminal. Sinabi ko na sa inyo, may gobyerno na ang Lungsod ng Maynila. Umalis na kayo dito,” ani Moreno.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Consented Abduction sa ilalim ng Revised Penal Code at Anti-Rape Law.

Manila PIO photo
Manila PIO photo

TAGS: anti-rape law, Consented Abduction, estudyante, Mayor Isko Moreno, MPD-SMART, natukso, paggahasa, rape, Revised Penal Code, sales agent, temptation, anti-rape law, Consented Abduction, estudyante, Mayor Isko Moreno, MPD-SMART, natukso, paggahasa, rape, Revised Penal Code, sales agent, temptation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.