MMDA, umaasang mapapanatiling malinis ng LGUs ang mga kalsada
Umaasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mapapanatiling malinis mula sa sagabal ng mga local government unit ang mga inayos na kalsada.
Sa pulong ng Metro Manila Council, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na sumang-ayon ang mga alkalde sa Metro Manila na ipatupad ang resolusyon para matiyak ang pagpapanatili ng road clearing campaign.
Ibibigay ang responsibilidad ukol dito sa mga opisyal ng barangay.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga obstruction sa mga kalsada sa loob ng dalawang buwan.
Layon ng kautusan ng pangulo na maibsan ang sikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.