PNP Chief Albayalde, pinagbibitiw na ng Makabayan bloc sa Kamara

By Erwin Aguilon October 03, 2019 - 07:21 PM

Hinikayat ng Makabayan bloc sa Kamara na magbitiw na sa puwesto si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde kasunod ng akusasyon na pagkakasangkot sa ninja cops.

Base sa House Resolution 416 na inihain ng Makabayan solons, bukod kay Albayalde, hinihiling din ng mga ito pag-reresign partikular ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP na lumutang sa imbestigasyon ng Senado sa ninja cops na itinuturong nasa likod ng pagtatago, pagbebenta, pagtatanim, pag-rerecycle at hindi tamang pagdedeklara ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Dapat na anilang magbitiw si Albayalde para bigyang-daan ang patas at credible na imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan patungkol sa drug recycling o ‘agaw bato’ scheme ng mga ninja cop.

Nakasaad sa resolusyon na ang mga ibinulgar ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong laban sa mga ninja cop at kay Albayalde ay malinaw na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Umapela rin ito sa Office of the Ombudsman nang agad na pagsasampa ng kaso sa mga opisyal na mapapatunayang nasa likod nito.

Sa pagdinig ng Senado, ibinulgar ni Magalong na nakialam si Albayalde sa kaso ng mga pulis na sinasabing ninja cops na sangkot sa iligal na operasyon noong 2013 sa Pampanga kung saan hepe noon ng lugar ang PNP Chief.

TAGS: Kamara, Makabayan bloc, Ninja cop, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Kamara, Makabayan bloc, Ninja cop, PNP chief Gen. Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.