Top 2 most wanted person na may kasong rape, arestado sa Navotas

Inquirer file photo

Timbog ang top 2 most wanted person ng Navotas City Police Station na may kasong rape.

Sa ikinasang operasyon ng Navotas PNP, nahuli ang suspek na si Genesis De Jesus Abelarde, 19-anyos, sa Bagong Silang, Barangay San Jose bandang 8:35, Huwebes ng umaga.

Inihain ng mga otoridad ang warrant of arrest kay Abelarde para sa tatlong bilang ng kasong rape na inilabas ni Judge Cecilia Paralag ng Regional Traial Court Branch 9 sa lungsod.

Noong December 31, 2018, inireklamo ang suspek ng isang alyas ‘Lhea’ ng panggagahasa.

Base sa pahayag ng biktima, tatlong beses siyang ginahasa ng suspek.

Nakapiit na ang suspek sa Custodial Detention Facility ng Navotas City Police Station.

Read more...