DA nakahanap ng pag-iimbakan ng mga palay sa panahon ng anihan

Nakipagkasundo ang Department of Agriculture (DA) sa isang pribadong kumpanya para tumulong sa pagpapatuyo at pag-iimbak ng mga palay para sa darating ng panahon ng anihan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, isang malaking kumpanya sa bansa na nagmamay-ari ng malaki at makabagong postharvest facility na nakatayo sa lalawigan ng Isabela.

Ito aniya ay ang Mindanao Grains Processing Co. Inc. (MinGrains) na isa sa pinakamalaki sa buong Asya na corn processing complex.

Kaya nitong magpatuyo ng 1,200 metric tons ng palay araw-araw at maaari ring makapag-imbak ng palay na aabot ng 60,000 metric tons.

Paliwanag pa ng kalihim, ang bibilhing mga palay ng National Food Authority (NFA) at Isabela provincial government mula sa mga magsasaka sa panahon ng anihan ng palay ay dadalhin sa MinGrains para patuyuin at iimbak.

Nakasaad sa kasunduan na isang milyong sako ng palay ang dapat tanggapin ng MinGrains.

Read more...