DILG sa NCR-LGU: Modelo sa ginawang clearing operation

By Noel Talacay October 03, 2019 - 06:52 PM

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tumalima ang lahat na lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa ipinatupad na clearing operation.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, maituturing ang NCR bilang isang modelo o halimbawa sa pagsasagawa ng clearing operation.

Hinikayat naman ni Densing ang mga lokal na opisyal na maghain ng kasong administratibo laban sa opisyal ng barangay na hindi sumusunod sa nasabing kautusan.

Kung sakaling hindi makapaghain ang mga opisyal ng LGU, sinabi ni Densing na ang DILG mismso ang gagawa nito basta’t bigyan lamang sila ng mga kongkretong katibayan.

TAGS: clearing operation, DILG, Epimaco Densing III, clearing operation, DILG, Epimaco Densing III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.