PNP chief Albayalde, iginiit na wala siyang inimpluwensiyahan sa dismissal order laban sa 13 pulis-Pampanga

By Angellic Jordan October 03, 2019 - 06:49 PM

Iginiit ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na wala siyang inimpluwensiyahan sa dismissal order laban sa labing-tatlong pulis-Pampanga na sinasabing sangkot sa drug recycling.

Sa pagdinig sa Senado, araw ng Huwebes, isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na tumawag sa kaniya si Albayalde para hilingin na huwag munang ipatupad ang dismissal order laban sa mga pulis.

Ito ay matapos mahatulang guilty ang mga pulis sa grave misconduct noong 2014 dahil sa kabiguang pag-account ng mga nakumpiskang droga sa anti-drug operation sa Mexico, Pampanga taong 2013.

Paliwanag ni Albayalde, bago siya tumawag kay Aquino, “partially granted” na ang motion for reconsideration.

Tumawag man aniya siya o hindi, walang nagbago sa desisyon ni Aquino.

Si Albayalde ang Pampanga police provincial director nang mangyari ang operasyon ng mga sangkot na pulis sa Pampanga taong 2013.

TAGS: drug recycling, labing-tatlong pulis-Pampanga, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, PNP Director General Albayald, drug recycling, labing-tatlong pulis-Pampanga, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, PNP Director General Albayald

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.