Nawawalang Pinoy sa bumigay na tulay sa eastern Taiwan, natagpuang patay

Isa pang mangingisdang Filipino ang natagpuang patay sa bumigay na tulay sa eastern Taiwan.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang biktimang si Romula Escalicas Jr. ay nadiskubre bandang alas onse bente-otso, Huwebes ng umaga.

Isa si Escalicas sa mga napaulat na nawawalang Pinoy sa aksidente.

Dahil dito, umabot na sa tatlo ang bilang ng mga Filipino na nasawi sa pagguho ng tulay sa Yilan county.

Samantala, limang overseas Filipino worker (OFW) naman ang nasugatan sa aksidente sa bahagi ng Nanfangao.

Read more...