Panukalang Federal constitution, patuloy na tinatalakay – DILG

By Angellic Jordan October 03, 2019 - 04:06 PM

Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na patuloy pa ang pagtalakay sa panukalang Federal constitution.

Sa isang forum, sinabi ni DILG spokesman at undersecretary Jonathan Malaya na hindi pa tapos ang pagtalakay ng Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform (IATF) na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa rito.

Dahil dito, hindi pa aniya maaaring simulan ang kampaniya para sa Pederalismo.

Hindi pa aniya nagkakasundo ang mga kasapi ng task force sa probisyon ng aniya’y Puno Commission draft.

Pinangungunahan ang nasabing task force ni DILG Secretary Eduardo Año bilang chairperson, kasama si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang vice chairperson.

TAGS: DILG spokesman at undersecretary Jonathan Malaya, Panukalang Federal constitution, patuloy na tinatalakay . DILG, Pederalismo, DILG spokesman at undersecretary Jonathan Malaya, Panukalang Federal constitution, patuloy na tinatalakay . DILG, Pederalismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.