Sugatan ang dalawang lalaki sa naganap na aksidente sa Lapu-Lapu City, Huwebes ng madaling-araw.
Nagkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa bahagi ng Tamiya Basak bandang alas singko singkwenta ng madaling-araw.
Dahil dito, agad rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC) Lapu-Lapu/Cordova Chapter sa pinangyarihan ng aksidente.
Nagtamo ng sugat ang isang 25 anyos at 31 anyos na biktima.
Dahil dito, dinala ang mga biktima sa Mactan Doctor’s Hospital para malapatan ng lunas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.