Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang alas-2:35 ng hapon, iiral ang heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila at Cavite.
Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng masamang panahon ang Zambales partikular sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig at Iba.
Uulanin din ang San Clemente, Mayantoc at San Jose sa Tarlac; Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon at General Tinio sa Nueva Ecija; Norzagaray, Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.
Kaparehong sama ng panahon din ang iiral sa General Nakar at Real sa Quezon; Tanay, Rodriguez at Antipolo sa Rizal; Santa Maria, Gamy at Siniloan sa Laguna; San Juan at Rosario sa Batangas.
Pinayuhan naman ang mga residente sa lugar na maging alerto sa pagbaha o pagguho ng lupa.