Metro Manila at ilang kalapit-lugar sa Luzon, uulanin

By Angellic Jordan October 03, 2019 - 03:15 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang kalapit-lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang alas-2:35 ng hapon, iiral ang heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila at Cavite.

Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng masamang panahon ang Zambales partikular sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig at Iba.

Uulanin din ang San Clemente, Mayantoc at San Jose sa Tarlac; Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon at General Tinio sa Nueva Ecija; Norzagaray, Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.

Kaparehong sama ng panahon din ang iiral sa General Nakar at Real sa Quezon; Tanay, Rodriguez at Antipolo sa Rizal; Santa Maria, Gamy at Siniloan sa Laguna; San Juan at Rosario sa Batangas.

Pinayuhan naman ang mga residente sa lugar na maging alerto sa pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Heavy rain showers, ilang kalapit-lugar sa Luzon, Metro Manila, Pagasa, Heavy rain showers, ilang kalapit-lugar sa Luzon, Metro Manila, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.