Magnitude 3.6 na lindol naitala sa Calatagan, Batangas

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 25 km Southwest ng bayan ng Calatagan alas-12:54 ng tanghali ng Huwebes (October 3).

May lalim na 126 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Calatagan, Batangas at Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Wala namang naitala pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

Read more...