Mahigit 10,000 senior citizens nakinabang sa ikalawang araw ng libreng sakay sa MRT-3
By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2019 - 01:51 PM
Sa ikalawang araw ng libreng sakay para sa mga senior citizen sa MRT-3 umabot sa mahigit 13,000 ang nakinabang.
Ang libreng sakay sa mga senior citizen ay bilang pakikiisa sa Elderly Filipino Week.
Nagsimula ito noong Ocotber 1 at tatagal hanggang sa October 7 mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 10:30 ng gabi.
Kailangan lamang ipakita ang senior citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na ang edad ay 69 pataas para makapag-avail ng libreng sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.