Operasyon ng LRT-2 sinuspinde dahil sa sunog sa power rectifier malapit sa Katipunan station

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2019 - 11:56 AM

(BREAKING) Sinuspinde ang biyahe ng Light Rail Transit line 2.

Sa abiso ng LRT-2 sa kanilang official Twitter account, alas 11:24 ng umaga ng Huwebes, Oct. 3 sinabing pansamantalang suspendido ang operasyon ng kanilang mga tren.

Ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, nasunog ang power rectifier malapit sa bahagi ng Katipunan Station.

Dahil dito ay nawalan ng power supply iba pang LRT-Station.

Nakasaad din na nagsasagawa na imbestigasyon at tinutugunan na ang pangyayari.

Hindi pa rin tiyak kung anong oras magbabalik ang operasyon.

Humingi ng paumanhin ang LRT-2 sa mga apektadong pasahero.

Inaasahan naman na maibabalik ang biyahe mula Cubao station patungong Recto station at pabalik.

TAGS: fire incident, katipunan station, LRT 2, power rectifier, fire incident, katipunan station, LRT 2, power rectifier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.