P2M halaga ng pananim nasira sa pagbaha sa isang bayan sa Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2019 - 11:34 AM

Umabot sa P2 milyon ang halaga ng napinsalang pananim sa Kabakan, Cotabato bunsod ng naranasang pagbaha doon.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure, napinsala ang ekta-ektaryang tanim na palay, gayundin ang mga pananim na gulay.

Ang mga nasirang palay ay nakatakda na sanang anihin sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng MDRRMO, umabot sa 600 ektaryang pananim ang napinsala at tinatayang P2 milyon ang halaga.

Naranasan ang pagbaha sa mga barangay ng Bangilan, Malanduage, Cuyapon, Upper Paatan, Poblacion, Katidtuan, Dagupan, Salapungan, Malamote, Pedtad at Sangadong.

Mayroon namang 500 pamilya na naapektuhan ng baha sa Upper Paatan, at 241 na pamilya sa Barangay Katidtuan.

TAGS: flash flood, kabacan, North Cotabato, flash flood, kabacan, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.