Mga bida sa Netflix series na “insatiable” darating sa Pilipinas

Darating sa bansa ang mga bida sa comedy-drama series ng Netflix na “Insatiable”.

Inanunsyo ni Debbie Ryan na sa susunod na linggo ay darating siya sa bansa kasama ang co-star na si Dallas Roberts.

Ang pagbisita sa bansa ay inaunsyo ni Ryan sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi sa Facebook page ng Netflix.

Nakatakdang magsimula ang ikalawang season ng nasabing serye.

Ayon kay Ryan, ipinangako nila kay Gloria Diaz na sila ay bibisita sa Pilipinas.

Si Diaz ay may gagampanang papel sa nasabing serye.

Read more...