Albayalde, Magalong at Aquino muling nagharap-harap sa pagdinig sa senado
Muling humarap sa pagdinig sa Senado ngayong araw sina PNP Chief Oscar Albayalde, Baguio City Mayor Benjamin Magalong at PDEA Director General Aaron Aquino.
Matapos na maging mainit ang naging takbo ng pagdinig noong Martes bunsod ng mga direktang alegasyon ni Magalong kay Albayalde, muling nagharap-harap ang mga opisyal.
Ang pagdinig na ginagawa ng Senate Blue Ribbon Committee at Senate Committee on Justice ay patungkol sa mga anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor) makaraang mabunyag ang paglaya ng mga bilanggo sa Bilibid nang dahil sa GCTA law.
Pero ang pagdinig noong Martes ay sumentro sa ‘ninja cops’ bunsod ng alegasyon ni Magalong sa mga pulis na nagre-recycle ng ilegal na droga.
Bago magsimula ang pagdinig, nakita pang nag-shake hands sina Albayalde at Magalong.
Sa pagsisimula ng pagdinig ngayong araw inunang talakayin ng senado ang usapin sa Bilibid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.