Sa inilabas na listahan, pasok si Moira sa Best Southeast Asian Act category.
Makakalaban ni Moira sa nasabing kategorya ang ibang Southeast Asian artists gaya nina Suboi ng Vietnam, Jasmine Sokko ng Singapore, Rich Brian ng Indonesia, Yuna ng Malaysia at si Jannine Weigel ng Thailand.
Ang magwawagi ay base sa resulta ng online-based poll at ihahayag sa November 3 sa awards ceremony na gaganapin sa Spain.
Ang nasabing parangal ay nasungkit na noong 2014 ni Sarah Geronimo at ni James Reid noong 2017.
Maaaring bumoto ang mga fans sa link na: https://www.mtvema.com/en-asia/vote/
Pasok si Moira sa Best Southeast Asian Act category.
MOST READ
LATEST STORIES