Paglilitis sa sex abuse case na kinakaharap ni R&B Singer R Kelly itinakda ng korte sa susunod na taon
Sa May 18, 2020 itinakda ng korte ang paglilitis kay R&B Singer R Kelly para sa kinakaharap niyang sex abuse case.
Si US District Judge Ann Donnelly ang nagtakda ng paglilitis kung saan inaatasan si R. Kelly na humarap sa korte.
Ang 52 anyos na singer na nagpasikat sa mga kantang “I Believe I Can Fly” at “Bump N’ Grind” ay dinakip sa Chicago noong Hulyo dahil sa magkakahiwalay na kaso.
Base sa kaso, nag-recruit si R. Kelly ng mga underage na babae para makipagtalik sa kaniya.
Itinanggi naman ni R. Kelly ang alegasyon.
Taong 2008 nang litisin si R. Kelly para sa kasong child pornography kung saan napatunayan siyang guilty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.