Payo ni Gen. Eleazar sa mga tauhan ng NCRPO, panatilihing mataas ang morale

INQUIRER PHOTO/ JAM STA ROSA

Hinimok ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang hanay ng mga pulis sa Metro Manila na huwag magpa-apekto sa mga kontrobersiyang ibinabato ngayon sa PNP.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar na tuluy-tuloy ang kaniyang pag-ikot sa mga nasasakupan sa Metro Manila para kausapin ang mga pulis at hikayatin ang mga itong panatihing mataas ang kanilang morale.

Aminado si Eleazar na nakalulungkot ang mga nangyayari ngayon kasabay ng mga ipinupukol na isyu sa mga pulis.

Sinabi din ni Eleazar na hindi matatawaran ang determinasyon ni PNP chief General Oscar Albayalde para masawata ang mga tiwaling pulis.

Anuman aniya ang mga nangyari sa operasyon ng mga tauhan ni Eleazar noong 2013 ay mainam na hintayin ang kahihinatnan ng pagdinig ng senado at ang magiging desisyon dito ng department of Interior and Local Government (DILG).

Read more...