#WalangPasok: Klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan sa Pateros, suspendido sa Oct. 4

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2019 - 09:59 AM SHARE(S):

Sinuspinde ang klase sa pampublikong paaralan sa Pateros sa Biyernes, October 4.

Ito ay bilang paggunita sa Teachers’ Day.

Ayon kay Pateros Mayor Ike Ponce, sakop ng suspensyon ang klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa Pateros.

Layunin ng suspensyon na mabigyang pagkakataon ang mga guro na makapagpahinga sa nasabing araw at magkaroon naman ng tsansa na ipagdiwang ang Teachers’ Day.

Kasabay nito ay binati ni Ponce ang mga guro na aniya ay may napakahalagang papel sa paghubog sa mga kabataan.

TAGS: 5AM udpate on Typhoon Marilyn, class suspension, Pateros, teachers day, 5AM udpate on Typhoon Marilyn, class suspension, Pateros, teachers day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.