Mga lokal na magsasaka dapat naabutan na ng P700M na halaga ng tulong ayon kay Sen. Kiko Pangilinan
May makukuhang hindi bababa sa P700 million cash aid ang mga lokal na magsasaka mula sa nakulekta sa rice tarrification.
Ito ang sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan at aniya ang naturang halaga ay sobra sa nakulektang taripa mula sa mga imported na bigas.
Banggit ng senador, sa budget hearing ng Department of Finance (DOF) naihayag na ngayon taon, P10.7 billion na ang rice tarrification collection ngayon taon.
Ayon kay Pangilinan, maari nang ipangtulong ang sobra sa koleksyon sa mga magsasaka nang hindi na kailangan pang amyendahan ang Rice Tarrification Law.
Suportado naman ni Sen. Cynthia Villar, ang namumuno sa Committee on Agriculture, ang panukala ni Pangilinan.
Hirap na hirap sa ngayon ang mga libo libong magsasaka sa bansa dahil sa pagbaha ng mga imported rice sa merkado na nagpababa naman sa halaga ng palay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.