Bea Alonzo at John Lloyd Cruz magbabalik-tambalan

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2019 - 09:16 AM

Kumpirmadong magbabalik ang tambalan sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Pero mukhang ang pagbabalik-tambalan nila ay para sa commercial ng isang produkto.

Si Bea ay nagbahagi ng larawan habang magkaharap sila ni John Lloyd na may nakasulat na “A Last Chance”.

Mayroon itong caption na “Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede kayang magkaroon ng LAST CHANCE?”.

Hinala naman ng kanilang fans ang larawan ay mula sa shooting para sa TV Commercial ng isang brand ng shawarma kung saan nauna nang naging endorser si John Lloyd.

Ibinahagi din ni John Lloyd ang ilang larawan at video ng behind the scenes ng shooting.

Out of town kinuhanan ang mga eksena dahil makikita ang mga lugar sa tabing-dagat at ang mga eksena habang sakay sila ng yate.

TAGS: A Last Chance, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Radyo Inquirer, shooting, TVC, A Last Chance, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Radyo Inquirer, shooting, TVC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.