Ayon kay Sorreta ang employer ng OFW ang suspek sa krimen.
Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon si Sorreta sa naturang kaso.
Bagamat may isang kaso ng sexual abuse, ibinida naman ni Sorreta na walang naitatalang pang-aabuso sa mga OFW sa Russia sa nakalipas na apat na taon.
Wala aniyang naire-report sa embassy na may binubuhusan ng mainit na tubig o may ikinukulong o may pinaplantsa na OFW sa Russia.
Maayos aniya ang pagtrato ng mga employer sa mga OFW.
Ayon kay Sorreta may mga kaso naman ng mga OFW na sila sila ang nag-aaway at nagkakasakitan.
Nasa Russia ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa limang araw na official visit.
Ayon kay Sorreta isa sa mga mapag-uusapan nina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin ang kapakanan ng mga OFW.